Mga Kuwento ni Rowena

 

Rowena Maming Saguid

Kahit bago sa akin ang internet ay may gusto akong isalaysay tungkol sa aking kabataan sa Mindoro, sa angkan ko at iba pa.



Nagtatrabaho pa kami sa pahinang ito.

Kung paano ako naging mayaman

Noong ako ay pumapasok pa mababang paaralan ng Guimbonan wala akong papel na sulatan at ito ay dala ng aming kahirapan na kung minsan wala rin akong baon. Natuta akong magluto ng bukayo at ito ay pinagbibili ko sa aking kamag-aaral upang magkaroon ako ng pambili ng papel at kung ano pang pangangailangan.

At kung sa tanghali naman nangunguha kami ng kaibigan ko ng bayabas, balingbing upang baonin at ang iba naman ay pinagpapalit ko ng papel upang mayroon akong magamit na sulatan.

Hanggang sa ako ay nakatapos ng Elementaya at dumating ang bakasyon ngakaroon kami sa bisita at ito raw ay kamag-anak o pinsan sabi ng tatay ko. At ito ang sinabi sa akin. "Sa akin ka na lang tumira", sabi ng pinsan ng tatay ko. "At ikaw ay pag-aaralain ko ng High School at tuwang-tuwa ako ng mga sandaling iyon. ang mapakinggan ko ang sabi niya hanggang sa dumating ang pagkakataon na ako ay pumapasok at pag araw ng Sabada at Linggo tumutulong ako sa mga gawaing bahay.

Hanggang sa dumating ang aking pinakaaasam kung pagtatapos ng High School sa mataas na paaralan ng Barcenaga Nanyan Oriental Mondoro.

Kaya pinasasalamatan ko ang tumulong sa akin upang makatapos ako ng pag-aaral Mayroon nga tayong kasabihan na "Kaalaman lang maibibigay kong kayamanan sa iyo at ito ay madadala mo kahit saan ka pupunta."


Pagbibili ng bukayo

Noong pumapasok ako sa mababang paaralan ng Guimbonan, isang baranggay ng Gloria sa Silangang Mindoro, sa edad na siyam na taong gulang. Marunong ang lola kong magluto ng masarap na bukayo. Natutu ako nito sa kanya. Gusto kong magbili ako ng bukayo sa aking mga kamag-aaral. Pumupunta ako muna sa niyugan upang maghanap ng niyog pati ng kahoy upang pangluto sa bukayo kapag may nakita na ako ng niyog ito ay aking binibiyak ng gulok at ito'y kinakayud ko sa pangkaraniwang kayuran sa bahay namin. Kapag natapos kong kayurin, nilalahokan ko ng asukal na binili sa tindahan na malapit sa amin at kung saan puwede kong utangin. Niluluto ko ito sa lutuang kahoy sa kusina namin. Kapag naluto na ang bukayo, maayos kong inilalagay sa isang lalagyang plastik.

Sa hapon niluluto ko na ang bukayo sapagkat sa umaga pandalas maligo, kumain ng agahan. Pagkatapos gawain ang mga ito nagsisimula na akong pumasok sa paaralan na nabitbit ang bukayo upang maipagbili ko ito habang hindi pa tumutunog ang bel para sa simula ng pag-aaral. Isang piso ang bawat isa ng bukayo ang pagbinta ko. Pag naubos ang lahat ng tinda ko dalawampu o higit pang piso ang natanggap ko, sampung piso para sa asukal inuutang ko. Pakinabang ko ang pera para sa baon ko at upang bumili ng papel na kailangan ko sa pag-aaral ko. Ito ang unang pera sa buhay ko na kinita ko sa sarili. Masaya ako dahil kaya kong ibili ng kailangan ko ang sariling pera, at mayroon akong sariling pantustos sa pag-aaral ko.


Tatay  

Ramon Mantaring Saguid

Sa tabing dagat ang aming bayan at malapit sa aplaya ang bahay namin. Maraming isda sa dagat at dahil dito mangingisda ang aking tatay.

Sa tabi ng aplaya

Isang araw wala kaming pang-ulam. "Bukas na lang tayo kakain nang maayos", sabi ng tatay ko "at pupunta ako sa laot huhuli ako ng isda. At nang dumating ang umaga natanaw ko ang bangka napapalapit sa tabi. Tingnan ... lola palapit na ang bangka ni Itay at nang makailang saglit darating na ang bangka ni Itay. Naku, ang daming huli ng isda ni Itay. At ito ay nilagay sa basket at ang iba ay dinala sa palengke upang pagbili

Minsan may pera, at kung minsan malalaki ang alon wala kaming ulam. Ang alon tao: Minsan sasaya, minsan malungkot. Hanggang ngayon sa dagat ang hanapbuhay ng tatay ko.


Lola  

Florentina Vitto

Lola ko, ina ng aking ina, siya; at matanda na siya ngayon.

Ang ginto ni lola

Siya ay isang taong may ginto na kalooban. Sa aming lugar, palagi siyang masipag magwalis ng paligid ng bahay o bakuran. At bukod sa kanyang katangian si Lola ang nag-arga at nagpalaki sa akin. Siya ang kinagisnan ko simula pa nang bata ako.



Rowena Maming Saguid   Lipa, Batangas, Pilipinas
Tel. 09927 - 528 9186   E-Mail rowena-kaizen@germanlipa.de
Web page http://www.germanlipa.de/saguid/index.htm   31 Oktubre 2008

Bahagi ng website Mabuhay ang pahinang ito.